CENTRAL MINDANAO-Halagang P300,000 na pabuya ang inilabas ng lokal na pamahalaan ng Datu Montawal Maguindanao Del Sur sa mga taong nakakilala o makapagtuturo sa mga suspek na bumaril patay kay Municipal Councilor Mubarac “Moby”Abubakar.
Ito mismo ang kinomperma ni Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal.
Matatandaan na bumaba sa kanyang sasakyan si Councilor Moby Abubakar sa Sitio Kurungan Barangay Pagagawan Datu Montawal Maguindanao Del Sur at kinausap ang isang vendor nang itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo.
Nananawagan naman ang Datu Montawal MPS sa publiko na makipag-ugnayan lamang sa kanilang himpilan para sa agarang pagresolba sa kaso.
Maaari ring ikontak ang 09168929062 at tiniyak nito na manananatiling confidential ang pagkakakilanlan ng mga lalapit sa kanilang himpilan.