-- Advertisements --

COTABATO CITY – Nakatakdang magbigay ng pabuya si Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi para sa makakapagbigay ng impormasyon sa mga suspek sa pagpatay kay Cotabato City Secretary to the Mayor Aniceto “Boy” Rasalan.

Matapos ang ilang oras na idineklarang dead on arrival si Rasalan ay naglabas ng statement si Mayor Sayadi na P300,000 ang laan nito para sa makakapagturo sa identity ng riding-in-tandem suspects na bumaril ng maraming beses sa ulo ng biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon kay Mayor Sayadi na siyang presiding chairperson ng Cotabato City Peace and Order Council, ginagawa nila ang lahat ng procedural measures para malaman ang exact identities ng mga suspek.

Kung maaalala, si Rasalan ay binaril habang kumakain ng agahan kahapon sa Se Hua Eatery sa bahagi ng Notre Dame Avenue