KALIBO, Aklan – Nagpapatuloy ang construction ng kalsada bilang bahagi ng phase 2 ng rehabilitation effort ng pamahaalaan sa isla ng Boracay.
Ayon kay District Engr. Noel Fuentebella ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Aklan, ang kino-construct na 1.9 kilometer na kalsada mula sa Elizalde property malapit sa Balabag plaza ay kokonekta sa bagong tapos na 4.122 kilometer road mula sa Cagban port papunta sa Barangay Balabag sa naturang isla.
Aayusin din aniya ang 1.4 kilometer na two-lane na kalsada mula sa crossing rotonda papunta sa Tambisaan port sa Barangay Manocmanoc.
Ang second phase ng proyekto ay may pondo umano na aabot ng nasa P300 milyon at inaasahan na matatapos ngayong taon.
Samantala, ang 3.3 kilometer na kalsada ay mas pang pinalawak sa 12 meters na nilagyan ng drainage works, walkways at bicycle lanes sa magkabilang bahagi.
Una rito, tinibag ang mga illegal structures na apektado ng road construction upang mag-tuloy-tuloy ang trabaho ng mga construction workers.