LAOAG CITY – Aabot sa P300,000 ang babayaran ng driver ng van na bumangga sa kurong-kurong sa Brgy. 48A, Cabungaan, Laoag City.
Ito ay matapos ang disgrasya na ikinamatay ng driver ng kurong-kurong na si Rogelio Gaspar at nasugatan ang asawa nito na si Benie Gaspar, kapwa residente ng nasabing barangay.
Nananatili pa rin sa kustudiya ng PNP ang driver ng van na si Juda delos Reyes, 54, residente ng No. 2718, Old Pandero St., Sta. Ana, Manila.
Nabatid na P250,000 ang bayad para sa libing ng biktima habang P50,000 para sa pagpapaayos ng nasirang kurong-kurong.
Nananatili naman ang asawa ng biktima na si Benie sa Intensive Care Unit ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center, Batac City.
Una rito, nabundol ng van ang kurong-kurong habang patungo sila sa kanlurang direksiyon sa Airport Avenue at tumilapon ang mag-asawa sa layong 29 meters.
Humingi naman nang tawad si Delos Reyes sa pamilya Gaspar.