-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Naaresto ng mga otoridad ang isang pasahero ng D4d Van sa probinsya ng Maguindanao na may dalang malaking halaga ng shabu.

Nakilala ang suspek na si Jessie Mendoza Castillon,43 anyos,may asawa at residente ng Brgy Mintal Davao City.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Pagalungan PNP katuwang ang PNP Provincial Mobile Force Company sa Brgy Galakit Pagalungan Maguindanao.

Akto dumaan ang isang pampasaherong Van at sinita nito ang isang pasahero na kaduda-duda ang kinikilos na nakaupo sa front seat.

Nang buksan ng mga pulis ang kulay itim na slig bag ng suspek ay tumambad sa kanila ang pitong pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P300,000.00.

Ang suspek na si Castillon ay galing sa Cotabato City at pauwi na ito ng Davao City ng mahuli ng mga otoridad.

Sa ngayon ay nakapiit na sa costudial facility ng Pagalungan PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.