-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 32.44 bilyon ang kabuuang halaga ng mga ipinagbabawal na gamot ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Ito ay nagmula sa higit 61,800 na ikinasang anti-drug operation mula Hulyo 1, 2022 hanggang katapusan ng Pebrero ng kasalukuyang taon.
Batay sa datos ng PDEA, nangunguna sa kanilang mga nasabat ay shabu na may 4.353 kilo.
Sinundan ito ng cocaine na may 50.51 kilo, higit 54,000 piraso ng ecstasy at 3,589 kilo ng marijuana.
Ipinagmalaki rin ng ahensya ang 5,691 ang mga nahuling high value individual na resulta ng kanilang walang humpay na operasyon.
Kaugnay nito ay pumalo na sa 28,330 ang mga barangay sa bansa na ideklarang drug free ng PDEA.