-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na nakatakda itong magbigay ng diskwento sa singil sa tubig sa buwan ng Abril para sa mga customer ng Maynilad Water Services Inc na saklaw ng Putatan Water Treatment Plant (PWTP) Supply Zone na nakaranas ng matagal na water service interruptions.

Sa isang statement, sinabi ni MWSS-RO chief regulator Patrick Ty, na sa bisa ng Resolution No. 2022-02-CA, papatawan ng ahensiya ng financial penalty na nagkakahalaga ng P63,973,362.00 laban sa west zone water concessionaire dahil sa unusual at matagal na water service interruption mula Disymebre 2021 hnaggang Pebrero 2022.

Sa naturang period, nagpatupad ang Maynilad ng water service interruption sa Putatan Water Treatment Plant Supply Zone sa apat na lungsod sa Metro Manila kung saan apektado dito ang mga residente ng Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Pasay gayundin sa lima pang lungsod at munisipalidad sa probinsiya ng Cavite.

Samantala, sa panig naman ng Maynilad, nauna ng inihayag ng water concessionaire na tatalima sila sa desiyon ng MWSS habang nanindigan ito na ang water production sa may Putatan Water treatment Plant ay naapektuhan sa kalidad ng tubig na nagmumula sa laguna Lake.

Ayon kay MWSS-RO deputy administrator Evelyn Agustin, nasa 198,315 customers ang kwalipikado para sa P323 rebate.