Nasa P33 milyon cash rewards o higit pa ang naghihintay para kay Hidilyn Diaz matapos na makasungkit ng kauna-unahang gold medal ng bansa sa Tokyo Olympics.
Nakasaad sa Republic Act 10699 na mayroong ibibigay ang gobyerno ng P10 milyon sa mga gold medalist na lumahok sa individual events.
Magbibigay din naman ng P10- milyon para sa mga gold medalist ang MVP Sports Foundation sa pamumuno ng kanlang chairman na si Manny V. Pangilinan.
Nangako rin ng P10 milyon para sa mga gold medalists ang ibibigay ng business tycoon na si Ramon S. Ang.
Bukod pa dito ay mayroong P3 milyon na ibibigay sa mga gold medalist si 1-Pacman Rep. Mikee Romero.
Magugunitang gumawa ng kasaysayan si Diaz matapos masungkit ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Tokyo Olympics nang mangibabaw sa women’s 55-kg. weightlifting events.
Si Diaz ay silver medalist din noong 2016 Rio Olympics.