-- Advertisements --
Nasa P334 milyon ang pondong inilaan ng Philippine National Police (PNP) para sa pagbili ng mga body camera na gagamitin ng mga polic operatives sa kanilang anti-illegal drugs operations.
Pero nilinaw ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na wala pang nabili na body cameras dahil wala pang pondo noong 2017 budget.
Sa isinagawang presscon sa Taguig kanina, inaaanyayahan ng PNP chief ang lahat ng interesadong supplier na makipag-ugnayan sa PNP para sa pag-supply ng body cameras.
Bilin ni Dela Rosa na kailangan ay may live-feed capability ang mga isu-supply na cameras, upang aktibong mamonitor ang galaw ng mga operatiba tuwing may operasyon.
Layon ng PNP ang paggamit ng mga body camera para maging transparent ang kanilang anti-illegal drug operation.