Tuluyan nang sinira ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police ang aabot sa PHP 34.3 million na halaga ng iligal na droga na kanilang nasamsam mula sa ikinakasang mga operasyon sa tatlong rehiyon sa Mindanao.
Partikular itong nakuha sa mga operasyong ikinasa sa Caraga Region, Davao Region at Soccsksargen.
Ayon kay PDEA-13 information officer Dindo Abellanosa, matapos na matanggap ng PDEA-11 at 12 ang isasagawa nitong pagsira sa kanilang mga confiscated illegal drugs ay kaagad itong nakipag-ugnayan sa kanila upang mapabilang ang kanilang nakumpiskang droga.
Batay sa datos, aabot sa kabuuang 51,807.9 grams ng ipinagbabawal na gamot ang kanilang sinira.
Ito ay bahagi aniya ng kanilang pagsisikap na sugpuin at sirain ang mga mapanganib na droga sa kanila ng mga isyu hinggil sa pagre-recycle nito.
Mula sa kabuuang bilang ng mga sinunog na droga, 4,209 grams ay shabu na may tinatayang street value na P28.6 million.
47,598.9 grams naman dito ay mga pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng PHP5.7 million.