-- Advertisements --

NAGA CITY – Kumpiskado ang nasa P34,000.00 na halaga ng iligal na droga mula sa isang construction worker matapos ang isinagawang buybust operation ng mga otoridad sa Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Albert Calualhatian Duenas, 26-anyos, residente ng Purok Little Baguio 1, Brgy. Ibabang Dupay sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ng isang sachet ng pinaniniwalaang iligal na droga ang nagpanggap na poseur buyer sa suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na maliban sa buybust item, narekober pa kay Duenas ang anim pang sachet ng nasabing iligal na droga.

Ayon naman sa imbestigasyon, tinatayang may bigat na nasa 1.63 grams at nagkakahalaga ng nasa P33,904.00 ang nasabing mga iligal na droga.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.