-- Advertisements --
Haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nahulihan ng P34 million na halaga ng shabu.
Ayon sa PNP, ang kontrabando ay isinilid sa tea packets at ito ay nasabat sa isinagawang anti-narcotics operation sa Las Piñas.
Ang suspek ay kinilalang si Kenneth Vito Cruz na naaresto rin sa naturang operasyon.
Mariin namang itinanggi ng suspek na sa kanya ang kontrabando at ipinasa lang daw sa kanya ito.