-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tinatayang P340,000 ang halaga ng hinihinalaang shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation na isinagawa kahapon sa Purok Centro, Sitio Taganilao, Brgy. Tamisan, Davao Oriental sa pwersa ng PNP at PDEA

Sa impormasyon ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Abdul”, 26 anyos, residente ng Prk Masagana, Brgy. Mayo, Mati City at alyas “Alberto”, 52 taong gulang, residente ng Menzi, Brgy. DMM, Mati City at itinuturing na Top 5 High Value Individual sa Regional Level.

Ayon kay PLtCol Ernesto Gregore, hepe ng Mati City Police Station, may timbang na mahigit 50 gramo at tinatayang nasa P340,000 ang street market value at marked money ang nakumpiskang ilegal na droga.

Sa ngayon, nasa kulungan na ang mga suspek na haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.