Duda si AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin na posibleng “na-ninja” raw ng mga tiwaling pulis ang P35 million bounty para sa mga informants sa Batocabe slay case.
Binigyan diin ni Garbin na ang bounty na ito ay para lamang sa mga informants, at hindi para sa mga pulis na nag-iimbestiga sa krimen at humahabl sa mga suspek.
Ayon sa kongreista, matagal nang gawain ng ilang “ninja cops” ang paghati-hati nila ng cash rewards na para bang ito ay kanilang incentive bonus.
“The moment the total of P35 million was turned over to the PNP, the laws on cash rewards, witness protection, custody of funds for public purposes were in play,” ani Garbin.
“Nowhere in any of our laws and regulations does it say the informants’ bounty are incentive bonuses for any police officer or any so-called ‘ninja cop’,” dagdag pa nito.
Magugunita na sa P35 million bounty, P20 million dito ay galing sa Office of the President, P13 million mula sa Kamara noong 17th Congress, at P2 million mula naman sa probinsya ng Albay.
Sinabi ni Garbin na walang administrative at cash control para matiyak na sa mga informants mapupunta ang bounty kaya marapat na imbestigahan ito ng Kamara upang sa gayon ay matukoy ang mga tiwaling pulis.
Dahil dito, ihahain daw muli ni Garbin ang mga panuakalang batas para sa pagkakaroon ng transparent online system para sa cash rewards ng mga informants, upang sa gayon ay ma-monitor ito real time.