Hindi bababa sa ₱35-M na halaga ng hinihinalang shabu na sinubukang ipuslit sa Arrival Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang naharang ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group .
Aabot sa limang kilo ng shabu ang nasabat ng mga otoridad matapos ang ikinasang controlled delivery operation .
Ayon sa Philippine National Police Drug Enforcement Group, naaresto ng kanilang mga tauhan ang isang African national na drug suspect.
Papasok sana ng bansa ng naturang suspect daladala ang pinaghihinalaang ilegal na droga at matagumpay itong naharang matapos na dumaan sa X-ray machine.
Naging katuwang naman ng Philippine National Police Drug Enforcement Group ang NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at iba pang ahensya ng gobyerno .
Nahaharap ngayon ang suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 .