-- Advertisements --

Sinira at sinunog ng Bureau of Customs- Port of Subic ang nasa 60 na mga container shipments na puno ng mga smuggled agricultural products.

Aabot sa halagang P360 milyon ang nasabing mga sinirang kontrabando na siyang pinakamalaking confiscations at forfeiture sa mga agri products.

Ayon sa BOC na unang idineklarang mga frozend bread, frozen jam, yellout onion ang nasabing mga shipments.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Federico Laciste Jr ng Wide Field Inspectorate na naka-consign ang mga ito sa Zhenpin Consumer Goods Trading, Duar Te Mira Non-Specialized Wholesale, Gingarnion Agri Trading, atThousand Sunny Enterprise.

Inamin din nito na naging napakababa ang presyo ng mga imported na mga gulay kaya mahirap ang mga ito na makakumpetisya.