Pumalo sa P374 million ang halaga ng mga peke at smuggled na sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs (BoC) sa Cebu.
Nakumpiska ang kontrabandong nakasilid sa walong container dahil sa pinagsanib pwersa ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), X-Ray Inspection Project Team (XIP) at Assessment Division.
Isinagawa naman ang pagsira nito sa condemnation facility na matatagpuan sa Barangay Binaliw, Talamban nitong lungsod.
Ginawa ang nasabing hakbang upang matiyak na hindi na ito kakalat sa mga pamilihan at dahil na rin sa paglabag sa Section 117 na may kaugnayan sa Section 1113 ng Republic Act (RA) No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), maging ang ilang guidelines ng National Tobacco Administration (NTA) at Bureau of Internal Revenue (BIR) regulations.