-- Advertisements --

NAGA CITY – Nasamsam ng mga otoridad ang halos P374,000 na halaga ng iligal na droga sa dalawang suspek Naga City.

Kinilala ang mga suspek na sina Marvin Geroy, 29, residente ng Lipa City, Batangas at Joel Tapel, 53, residente ng Palestina, Pili, CamSur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na naaresto ang mga suspek matapos magpositibo sa isinagawang buy bust operation sa Zone 1, Abcede St., Brgy. Bagumbayan Sur, sa nasabing lungsod.

Kung saan, nabili ng umaktong poseur buyer sa mga suspek ang isang pakete ng hihinalang shabu sa halagang P150,000.

Kaugnay nito, sa isinagawa namang body search ng mga otoridad kay Geroy, nakuha rito ang tatlong piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinahalang shabu na may bigat na 2.5 gramo at nagkakahalaga ng P17,000.

Samantala, narekober naman kay Tapel ang anim na piraso ng hinhinalang shabu na may bigat na 2.5 grams at nagkakahalaga ng P17,000.

Sa kabuuan, umabot sa 55 gramo ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa mga suspek na nagkakahalaga ng halos P374,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na sa mga awtoridad ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.