Nagpasalamat si PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa Japanese government sa ibinigay na P38.9 milyong pisong halaga ng disaster response equipment na ipinagkaloob nila sa PNP.
Ang mga nasabing donasyong kagamitan ay tinanggap kaninang umaga dito sa Camp Crame ni PNP Chief kasama si DILG Undersecretary Bernardo Florece Jr. mula kay Japanese Ambassador to the Philippines, His Excellency Kazuhiko Koshikawa.
Ang donasyon ay binubuo ng tig-tatlong unit ng Rescue Vehicle, Water Purifier, Portable Movable Toilet, Collapsible Tent, Lighting Apparatus, Life Boat, Personal Rescue Equipment, at Search Sound Detector para sa search and rescue operations.
Ang donasyon ay bahagi ng “Japanese Non-Project Grant Aid for the Provision of Japanese Disaster Reduction Equipment”.
Sinabi ni Eleazar na ang mga kagamitan ay malaking tulong para epektibong makatugon ang PNP sa panahon ng sakuna.
“I would like to express our sincerest gratitude to the Government of Japan for their continuing support to the Philippine police force. We are very grateful for the outpouring of support to our personnel to effectively and timely give response during natural calamities and disaster”, pahayag ni Gen. Eleazar.