-- Advertisements --

Umaabot na umano sa P386.6 billion ang nauutang ng Pilipipinas para pondohan ang gastusin ng gobyerno para sa coronavirus pandemic response.

Sa inilabas na latest data ng Department of Finance (DOF) ang katumbas na $7.76 billion ay babayaran ng Pilipinas mula taong 2023 hanggang taong 2049.

Kalahati umano sa naturang halaga ay na-disburse na sa gobyerno.

Kabilang sa mga pinagkunan nang utang ng gobyerno ng Pilipinas ay sa Asian Development Bank (ADB), World Bank, Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), Japan International Cooperation Agency (JICA) at sa Agence Francaise de Developpement (AFD).