Maaaring makabili ang mga residente sa Metro Manila ng mas murang bigas na ibinibenta sa presyong P39 kada kilo sa Kadiwa ng Pangulo stores sa rehiyon ngayong buwan ng Abril.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, maliban sa murang bigas may ibinibenta ding iba pang paninda gaya ng sariwa at dekalidad na prutas at gulay.
Kayat inaanyayahan ng Department of Agriculture ang mga residente ng Metro Manila na samantalahin ang pagkakataon at i-avil ang mga produkto.
Ayon kay Sec. Garafil bubuksan ang Kadiwa ng Pangulo sa Employees Park sa Taguig city Hall, People’s Park sa may McArthur Highway sa Malinta, Valenzuela city at Manila City Hall inner court hanggang ngayong araw, Abril 17.
Magkakaroon din ng KNP stores sa Romvi Subdivision covered court sa Moonwalk Village, Parañaque City sa Biyernes, Abril 19.
Magiging available din ang ilang mga produkto sa Camella Homeowners Association sa Merville Village, Parañaque sa Abril 20.
Inabisuhan naman ang mga residente ng Metro Manila na bisitahin ang official FB page at social media pages ng ibang ahensiya ng gobyerno para sa buong schedule at venue para sa KNP stores.
Ang KNP program ay proyekto ni PBBM na layuning makapagbigay ng lifeline sa pamamagitan ng pagbibigay ng selling areas ng libre para sa mga magsasaka at maliliit na negosyante para matiyak ang patas na access sa sariwang mga produkto.para sa mga konsyumer.