Naghain ng Motion to Lift TRO sa Supreme Court (SC) si P3PWD Rep. Rowena Guanzon nuong Lunes, July 11, bilang tugon sa inihaing petisyon kaugnay sa substitution issue.
Nakakuha kasi ang Duterte Youth ng temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema laban sa ruling ng Commission on Elections (COMELEC) na nagpapahintulot kay dating COMELEC commissioner Rowena Guanzon na makapag-substitute bilang P3PWD Party-list representative sa 19th Congress.
Ayon kay Duterte Youth party-list Rep. Ducielle Cardema, na ang substitution ni Guanzon ay isang ” deliberate attempt to defraud the electorate dahil magkakaroon ito ng impression na wala ng ibang option kundi payagan ang bagong substituting first nominee para maupo sa kongreso.
Nitong July 4 lamang natanggap ng kampo ni Guanzon ang kopya ng petisyon na inihain ng petitioner ang Duterte Youth Partylist kung saan pinapabaliktad nito ang desiyon ng Comelec.
Sa inilabas na TRO ng SC, ipinag-utos nito sa respondents na magbigay ng kanilang komento hinggil sa inihaing petisyon sa loob ng 10 araw.
Sa inihaing motion to lift TRO na inihain ng kampo ni Guanzon, inilatag nito ang kanilang argumento.
Una, iginiit nito na ang petitioner na Duterte Youth ay walang legal standing para kwestyunin ang pagpapalit ng mga nominado ng respondent ng P3PWD.
Ang petisyon para sa certiorari Rule 64 na may kaugnayan sa Rule 65 ng rules of court ay hindi tamang remedyo para igiit ang Comelec resolutions.
Ang Comelec resolution Nos. 10690 at 10717 ay hindi maaaring amyendahan o pawalang-bisa ang mga probisyon ng Republic Act No. 7941 o ang Party-List System Act.
Ang Comelec resolution Nos. 10690 at 10717 ay hindi maaaring amyendahan o pawalang-bisa ang mga probisyon ng Republic Act No. 7941 o ang Party-List System Act.
Anumang katanungan kaugnay sa kwalipikasyon ni Guanzon bilang nominado ng respondent na P3PWD sa House of Representatives ay nasa ilalim ng eksklusibong hurisdiksyon ng House of Representatives Electoral Tribunal.
Iginiit din sa inihaing mosyon na ang P3PWD ay isang Party-List organization na duly registered sa COMELEC.
Matapos magbitiw ang lahat ng P3PWD Original nominees, nagsumiti ng panibagong listahan ng mga bagong nominees kung saan si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang 1st nominee.