-- Advertisements --

Mabilis na nakalusot sa Bicameral Conference Committee ang panukalang P4.1 trillion 2020 national budget.

Dahil dito, lagda na lang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para ganap itong maging batas.

Mas maaga ito kumpara sa mga nakaraang taon, kung saan naging mabigat ang debate sa plenaryo ng Kamara at Senado, bukod pa sa diskusyon sa bicam.

Dumalo sa approval sa panig ng Senado sina Senate finance committee chairman Sen. Sonny Angara, Sens. Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Imee Marcos, Francis “Kiko” Pangilinan, Richard Gordon, Christopher “Bong” Go at Joel Villanueva.

Habang sa panig ng Kamara, dumating naman sina House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, House appropriations committee chairman at Davao 3rd District Rep. Isidro Ungab, pati na sina Reps. Joey Salceda, Luis Raymund Villafuerte, Neptali Gonzales, Jose Antonio Sy-Alvarado, Lucy Torres-Gomez, Bernadette Herrera-Dy, Alfred Vargas, Edcel Lagman, Janette Garin, Ronaldo Zamora, Romeo Momo Sr., Jocelyn Limkaichong, Teodorico Haresco Jr., Juan Pablo Bondoc, Junie Cua, House Minority Leader Bienvenido Abante Jr., Michael John Duavit at Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

Mamayang hapon naman inaasahan ang ratipikasyon dito ng dalawang kapulungan.