-- Advertisements --
duterte presides cabinet meeting

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.1 trillion budget proposal para sa taong 2020.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ang pinagpasyahan ng Pangulo kasama ang mga miyembro ng gabinete nitong Lunes ng gabi.

Dagdag pa ni Panelo, nakatuon ang budget para sa kapakinabangan ng mga Filipino.

Malaking bahagi ng budget ay mapupunta pa rin sa edukasyon, public works, transportation at pangkalusugan.

Una nang tinaya ng ilang mga mamababatas na mas aagahan nila ang pagpapatibay sa budget na maaaring mangyari sa buwan ng Oktubre.