-- Advertisements --

Pinadaragdagan ng minorya sa Kamara ang pondong gugulungin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa susunod na taon.

Sa isang pulong balitaan, iginiit ni Minority Leader Bienvenido Abante na malaki ang epekto sa MMDA kapang mababa ang kanilang pondo.

Nabatid na mahigit P7 billion ang natapyas sa alokasyon para sa MMDA na meron na lamang na P4.11-billion 2020 budget.

Ang malaking halagang kinaltas ay para sana sa wage increase ng 3,000 traffic enforces na may buwanang sahod na P9,000, at sa naturang halaga P8,000 lamang ang kanilang naiuuwi rito.

Kung ganito aniya ang sitwasyon, hindi talaga malayong tatanggap ng suhol ang mga traffic enforcers mula sa mga motoristang lumalabag sa mga traffic rules.