Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Air Force at Quezon City District Field Unit – Criminal Investigation and Detection Group ang P4.2 Million na halaga ng COVID 19 test kits.
Sa ulat mula sa PAF, nasabat nila ang mga Rapid Test Kits kahapon sa operasyon Pasig City.
Ayon kay Philippine Air Force (PAF) Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, nasa kabuuang 21,000 kits na brand ng Konsung ang nakuha nila mula sa apat na suspek na kanila namang inaresto dahil sa ilegal nitong pagbebenta.
Sinabi ni Mariano dinala na ang mga suspek sa QCFDU- CIDG at mahaharap sa paglabag sa Republic Act 9711 o Prohibition of Online Selling of FDA Certified COVID-19 Antibody Test Kits.
Pagtitiyak ng PAF, nakikipagtulungan sila sa iba’t ibang ahenya ng pamahalaan para makatulong na masugpo ang illegally selling ng COVID-19 Rapid Test Kits.