-- Advertisements --
Binunot at sinunog ng mga sakop ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA-7) ang P4.4 milyong halaga ng fully grown marijuana nitong Lunes ng gabi sa isinagawang operasyon sa Sitio Sampinitan, Brgy. Tagba-o, Cebu City.
Aabot naman sa humigit-kumulang 11,200 fully grown marijuana plants ang binunot at sinira ng mga operatiba na tinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P4,480,000.
Nagawa namang makatakas ang subject ng operasyon na kinilalang si Boy Ardimer.
Nagsawa na rin ng manhunt operation upang mahuli ang nasabing suspek habang inihahanda na ngayon ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.