-- Advertisements --

Maglalaan ang pamahalan ng nasa P3.5 billion hanggang P4.5 bilyong piso ang guguguling pondo ng pamahalaan para sa subsidiya sa murang bigas.

Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Paliwanag ni Laurel na hindi ito nagawa nuong nakaraang taon dahil mataas talaga ang presyo ng bigas maging sa pandaigdigang pamilihan.

Pero ngayon aniya ay bumaba na ang road market prices kaya mas magaang na ang subsidy nito.

Sinabi ng Kalihim, matagal na talaga nilang pinag isipan kung papano mapabababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo, tulad ng nauna nang pangako ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Ipinunto ni Laurel na gagawin ng administrasyong Marcos ang lahat para maging makatotohanana ang pangarap na P20 kada kilo ang bigas.

Umaasa naman si Laurel na sasali ang mga LGUs sa programa, para ito magtagumpay at pakinabangan ng mamamayan ang murang bigas..