P4.5M na tseke itinurn-over ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa NFA
CENTRAL MINDANAO-Kasabay ng isinagawang pagpupulong ng Rice Technical Working Group Meeting na pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang ceremonial turnover ng P4.5M na halaga ng tseke mula sa pamahalaang panlalawigan na gagamitin para sa Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU) ng National Food Authority (NFA).
Ang PALLGU ay isang programa ng NFA na naglalayong tulungan ang mga magsasaka ng palay sa pamamagitan ng paghingi ng suporta mula sa provincial at local government units.
Sa ngayon binibili ng NFA sa halagang P19/kg ang palay na ibinebenta ng magsasaka sa probinsya at sa tulong ng PALLGU program ay madadagan ito depende sa presyo na inilatag ng LGU at pondong ibibigay nito sa NFA.
Masaya namang tinanggap ni NFA North Cotabato Branch Office Acting Branch Manager Luisito N. Mangayayam ang tseke at nagpaabot ng taos pusong pasasalamat sa pamahalaang panlalawigan lalong lalo na kay Governor Mendoza sa walang sawang suporta nito sa masisipag na magsasaka ng probinsya.