Naharang ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang kargamento na naglalaman ng 323 gramo ng high-grade marijuana o kush na tinatayang nagkakahalaga ng P4.5 million sa Central Mail Exchange Center sa Pasay city.
Sa isang statement na inilabas ngayong araw ng Sabado, sinabi ng BOC na ang nasabing parcel na nilagyan ng label bilang regalo ay nagmula sa Toronto, Canada at naka-address sa isang indibidwal sa Quezon city.
Sa pamamagitan naman ng masusing profiling at pagsusuri, natuklasan ng mga awtoridad ang mga isinilid na kontrabando sa loob ng naturang package.
Sa isinagawang pagsusuri ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), natukoy ang susbtance bilang kush marijuana.
Iniimbestigahan na ngayon ang recepient at nahaharap sa legal repercussions dahil sa pagabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 may kaugnayan sa Customs Modernization and Tariff Act.