CEBU CITY – Iniimbestigahan na ng PNP ang sino ang may-ari ng P4.6 million na halaga ng marijuana plants matapos itong makumpiska sa isang operasyon sa Brgy. Gaas, sa bayan ng Balamban, sa Cebu.
Nahuli ang mga caretakers na sina Amado Cañonera Jr. at Bernabe Pardillo, habang nakatakas naman ang mga nagtanim nito na sila Ben Habasa, Jeric Cañonera, at Romnick Ocariza.
Ayon kay SPO2 Rolando Navarro ng Balamban Police Station na isinailalim sa surveillance ang malaking taniman ng marijuana na nagbunsod sa pagkahuli sa mga nag-aalaga nito.
Sinunog agad ng mga operatiba mula sa Cebu Provincial Police Office ang halos 12,000 mga marijuana plants na nabunot habang ikinustodiya naman ng PDEA-7 ang mga nahuling caretakers.
Inaalam ngayon ng PNP kung sino ang nagmamay-ari ng lupang tinamnan ng marijuana.