-- Advertisements --

Matatanggap ng dalawang anak at asawa ng yumaong aktres at “Meteor Garden” star na si Barbie Hsu, ang kanyang mga iniwan na ari-arian na tinatayang nagkakahalaga ng 600 milyong Yuan o nasa P4.7 billion, ito’y matapos i-ulat ng mga media sa Taiwan.

Kinumpirma naman ito ni South Korean DJ, DJ Koo, aniya ang buong ari-arian ay paghahatian ng kanyang asawa at 10-taong-gulang na anak na babae at 8-taong-gulang na anak na lalaki ni Hsu.

Dahil ang mga bata ay mga menor de edad pa, ang kanilang mga bahagi ay pamamahalaan ng kanilang ama, na si Wang Xiaofei, hanggang sila ay umabot sa legal na edad.

Sa isang pahayag, sinabi ni Koo na plano niyang ibigay ang kanyang bahagi sa mga ari-arian sa ina ni Barbie Hsu dahil ito sa lahat ng sakripisyo aniya ng biyenan niya sa kaniyang pamilya.

Si Koo ay unang asawa ni Barbie Hsu na naghiwalay noong 2000 at Muling nagbalikan matapos makipag divorce ni Hsu kay Wang.