Isang high value target ang naaresto sa pamamagitan ng buy bust operation sa pinagsamang operatiba ng Provincial Enforcement Unit (PDEU) at Provincial Intelligence Unit (PIU) sa koordinasyon ng PDEA at Dumaguete city police alas-8:10 ng gabi sa Purok Katubhan , Barangay Bajumpandan.
Kinilala ang suspek na isang Pendathon Azes, 33, binata, residente ng Purok Camia, Canday-ong, Calindagan.
Narekober sa suspek ang isang sachet na isinailalim sa buy-bust kabilang ang P1,000 buy bust money.
Sa isinagawang body search, narekober din mula rito ang isang asul na duffle bag na naglalaman ng 5 malalaking volume at isang mas malaking volume, o kabuuang 7 sachet ng ipinagbabawal na druga.
Aabot sa 700 grams ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang aabot sa P4.7 milyon.
Napag-alaman na lumitaw ang pangalan ng suspek sa imbestigasyon sa mga nakaraang anti-drug operations.
Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek sa Dumaguete City Police Station para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – BJR