-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Aabot sa 100 swine raisers sa probinsya ng Ifugao ang nakatanggap ng cash assistance mula sa Department of Agriculture (DA)-Cordillera.

Ang mga benepisyaryo ng nasabing cash assistance ay mga hog raisers na naapektuhan sa African Swine Fever (ASF) kung saan nakatanggap ang bawat benepisyaryo ng P5,000 sa bawat baboy na alaga ng mga ito.

Ayon kay Ifugao Provincial Veterinarian Dr. James Gopeng, nanggaling ang mga ipinamahaging tulong mula sa Bureau of Animal Industry kung saan aabot sa P4-bilyon.

Ang mga napiling benepisyaryo ng cash assistance ay mula sa Asipulo, Banaue, Hingyon, Kiangan, at Lagawe, Ifugao.

Una rito, aabot sa 800 baboy ang boluntaryong pinatay sa nasabing probinsya dahil sa panganib na dulot ng ASF virus na dahilan ng pagkamatay ng mga alagang baboy sa Cordillera region.