-- Advertisements --

Welcome sa Department of Education (DepEd) ang karagdagang P4-bilyon sa kanilang digital at alternative learning modalities sa ilalim ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP) sa Bayanihan to Recover as One Bill o Bayanihan 2.

Kasama rito ang P600 milyong subsidiya at allowance sa mga kwalipikadong estudyante ng public at private schools sa lahat ng antas habang P300 milyon naman para sa displaced teaching at non-teaching personnel sa lahat ng antas.

Sinabi ni DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, malugod nilang tatanggapin ang anumang karagdagang pondo na ilalalaan para sa implementasyon ng BE-LCP.

“In our original budget, there was no specific allotment for printing of modules but since we need to fund this, we realigned our funds,” saad ni Sevilla.

“We need to do so many things that we’re not included in the budget but don’t worry because we have been preparing for this,” dagdag nito.

Sa panig naman ni Deped Undersecretary for Curriculum sa panayam ng Bombo Radyo, nakasisiguro ang publiko na ilalaan ang dagdag na pondo para sa pagsasanay pa ng mga guro at sa kapakanan na rin ng mga estudyante.

“Maliwanag naman sa amin ang mga priorities. Alam namin na ito ay makatutulong sa iba’t ibang paraan tulad po sa pagsasanay, puwede sa mga dagdag na gagamitin or learning resources, puwede pong pambili ng proteksyon para sa mga bata at mga kapwa guro,” wika ni San Antonio.