Tinatayang nasa P4 billion ang kakailanganing pondo para sa gagawing rehabilitation at reconstruction projects sa mga lugar na naapektuhan ng malalakas na lindol sa Mindanao.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, nasa P4 billion na pondo ang kanilang ni-request at ginawa nila ang request sa cabinet meeting kagabi.
Sa ngayon wala pang malinaw na datos kung magkano ang kabuuang halaga ng pinsala ng lindol dahil magsasagawa pa sila ng post disaster assessment sa November 17 pero batay sa inisyal na pagtaya nasa P4 billion ang kakailanganin na pondo.
Sa ngayon, nanatili sa 28 ang patay, dalawa ang nawawala at 417 ang sugatan sa lindol sa Mindanao.
Sa kabuuan, 34,482 na ang mga naitalang sirang infrastructures kasama na ang mga bahay, paaralan, health facilties, mga simbahan at iba pang tanggapan.