-- Advertisements --
ROXAS CITY – Simula na ngayong buwan ng Mayo ang umento sa sahod ng mga kasambahay sa Region 6.
Ito ang kinumpirma ni Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Director Cyril Ticao sa panayam ng Bombo Radyo Roxas.
Ayon kay Ticao, epektibo sa May 8 ay magiging P4,000 na ang minimum wage para sa mga kasambahay sa rehiyon.
Kaugnay nito, tiniyak ng DOLE na magiging maigting ang kanilang monitoring kung sinusunod ng mga employers ang tamang pagpapasuweldo sa mga kasambahay sa Western Visayas.
Maliban sa mga kasambahay, walang maaasahang umento sa sahod ang iba pang manggagawa sa rehiyon kaugnay ng selebrasyon ng May 1 Labor Day.