-- Advertisements --

CEBU CITY — Aabot sa halos P4-milyong danyos ang naitala mula sa nangyaring sunog sa isang paaralan sa Argao, Cebu.

Batay sa imbestigasyon ng Municipal Fire Station, lumabas na faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na tumupok sa dalawang gusali ng Colawin Elementary School.

Ayon kay Fire Officer III Arden Sardido, nahirapan silang tuntunin ang lugar dahil liblib ito mula sa sentro ng bayan.

Pero dahil daw sa tulong ng ibang fire rescuers gaya ng Sibonga Fire Station ay naapula rin nila sa loob ng dalawang oras ang sunog.

Sa ngayon nakatakdang makipagpulong ang mga otoridad sa mga opisyal ng eskwelahan para sa imbestigasyon.

Ang Brgy. Colawi kung saan nasunog ang gusali ng paaralan ay kilalang hometown ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr.