-- Advertisements --

Isasampa ng araw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kaso laban sa 42-anyos na babae na nahulian ng P4-milyon halaga ng hinihinalang shabu.

Naaresto ang nasabing suspek sa pamamagitan ng buybust sa tinitirahan ng suspek sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.

Matapos na maiabot ang droga ay mabilis na inaresto ang nasabing suspek.

Umaabot sa mahigit 700 gramo ng droga ang kabuuang bigat ng na nakuha sa suspek.