VIGAN CITY – Hindi nagdalawang isip ang lokal na gobyerno Santa, Ilocos Sur na bumili ng dalawang libong rapid test kits na nagkakahalaga ng P4 milyo upang masiguradong walang magpopositibo sa corona virus pandemic disease.
Sa report na nakalap ng Bombo Radyo Vigan isinagawa ngayong araw ang rapid testing sa Brgy. Banaoang, Namalangan, Rizal sa bayan ng Santa kung saan dumaan sa nasabing test ang mga frontliners, senior citizen, person under investigation at person under monitoring.
Sa naunang panayam kay Santa Mayor Jesus Bueno Jr, nabili nila ang mga rapid test kit sa pammagitan ng pondo ng Anti Covid19 Crisis Assistance Program o ACAP at Bayanihan We Heal as One Act.
Sa ngayon ang ilocos sur ay nanatiling COVID Free at kasama sa mga probinsyang low risk area ng corona virus.