-- Advertisements --
Aabot sa P4-milyon halaga ng sigarilyo ang kinumpiska ng Bureau of Customs.
Idineklarang mga hand towels ang laman ng kargamento patungo sa Australia subalit ng siyasatin ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay tumambad ang nasa 2,520 na reams ng mga sigarilyo.
Galing aniya ito sa local na negosyante sa Novaliches, Quezon City at patungo sana sa South Geelong Victoria.
Agad na naglabas ng warrant of seizure si District Collector Carmelita Talusan ang mga sigarilyo dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Inihahanda na rin ng mga otoridad ang kaukulang kasong isasampa laban sa mga personalidad na nasa likod ng pagpupuslit.