CEBU CITY – Patung-patong na kaso ang hinaharap ng mag-asawa at isang lalaki na naaresto sa Cebu matapos makuhanan ng pinaghihinalaang alagang tanim na marijunana na aabot sa P4-milyon ang halaga.
Kinilala ang naarestong sina Jolito Landero; at mag-asawang sina Renerio at Gina Cal.
Inamin ni police Lt. Col. Maribel Getigan, hepe ng Danao City Police, na matagal na nilang minamanmanan ang umano’y marijuana plantation sa Brgy. Langosig.
Batay sa ulat, aabot sa 10,000 tubong halaman ng sinasabing marijuana ang nakuhan ng pulisya, kasama ang ilan pang gamit sa pagtatanim nito.
Matapos makumpiska ang mga kontrabando, sumugod umano ang suspek na si Gina at hinarang ang isang opisyal, saay kinalmot.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang inihain laban kina Landero at Renerio, habang Direct Assault at Obstruction of Justice ang nakasampa laban kay Gina.