-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa apat na milyong piso ang danyos matapos ma-abo sa sunog ang 20 kabahayan sa Purok 2, Brgy. Poblacion sa bayan ng Barobo, Surigao del Sur kahapon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Fire Officer 2 Hurry Magsayo, ang fire/arson investigator ng Barobo Fire Station, pasado alas-2:07 ng hapon nila natanggap ang fire call na kaagad naman nilang nirespondihan at nadeklara ang fire out pasado alas-kwatro na ng hapon.

Base umano sa record ng Barobo-Municipal Social Welfare and Development, aabot sa anim napu’t tatlong pamilya ang apektado sa sunog habang patuloy pa nilang inalam ang pinagmulan ng apoy.