-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagkakahalaga ng P4 milyon na marijuana plants ang narekober at sinunog ng otoridad sa isinagawang joint operations ng Philippine National Police-Police Regional Office 11 (PNP-PRO 11), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement unit sa Sitio Pagbaluyan, Brgy. Tubaon, Tarragona, Davao Oriental.

Nasa 10,000 fully grown marijuana plants nga gibana-banaang adunay Dangerous Drug Board (DDB) value na Php 2,000,000.00 ang kanilang narekober kung saan ang namamahala nito ay nakilalang si Jorel B. Malintad at Alejandro Magandam, planter at maintainer.

Nabatid na nahuli na noon si Jorel Malintad dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ngunit temporaryong nakalabas dahil nananatili pang nasa proseso ang kaso nito.

Samantalang isa pang joint operation ang isinagawa ng otoridad kung saan narekober rin ang iba pang 10,000 fully grown marijuana plants na may DDB value rin na Php 2,000,000.

Nakilala naman ang suspek na si Noel Malintad, planter at maintainer, residente ng Sitio Pagbaluyan, Brgy. Tubaon. Tarragona Davao Oriental.

Sinasabing ang tatlong mga suspetsado ay nakatakas sa kasagsagan ng operasyon.

Ilan sa mga ebidensiya na narekober at nasa kustodiya ng otoridad para laboratory examinations samantalang ang iba nito at sinunog ng otoridad.

Parehong mahaharap ang mga suspek ng kasong kriminal at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.