CEBU CITY – Aabot sa P4 million ang halaga ng shabu at iba’t ibang klase ng armas ang nasabat mula sa isang incumbent councilor ng Lawaan III lungsod ng Talisay sa isinagawang search warrant operation ng Provincial Intelligence Branch.
Kinilala ang ang konsehal na si Bimbo Cabuyno Ramos.
Ayon kay PCapt. Alejandro Batobalonos, ang hepe ng PIB na matagal na nilang isinailalim sa surveillance ang konsehal matapos na palaging lumalabas ang pangalan nito sa tuwing may maaresto silang mga drug personality.
Basi umano sa kanilang monitoring taguan ng mga bigtime druglords ang bahay ng konsehal kung saan tinawag pa ito ni Batobalonos na “bodegero” o doon sa bahay nito ilalagay ang mga stock ng shabu.
May secret passage at secret window pa umano ang bahay nito kaya hindi madaling mahuli ang kung sino man ang magtago doon.
Nakuha mula rito ang 5 large pack ng shabu na may bigat 500 grams ng shabu at mga armas gaya ng 22- Riffle airgun at CO2 gas tank.
Samantala pinabulaanan naman ni KonseH al Ramos ang si umanoy paratang sa kanya at sinabing malinis ang kanyang konsensya.
Hinamon pa nito ang mga pulis na tingnan ang kanyang SALN para malaman kung saan galing ang kaniyang pinagkakakitaan at ang pera umanong nakuha ng mga pulis ay inutang pa umano nito para pambayad sa pagpapaospital ng kanyang anak.