-- Advertisements --

Inihahanda na ng Bulacan PNP ang kasong isasampa laban sa mga suspek na naaresto sa isang buy busy operation sa bayan ng Baliuag.

Kinilala ng Police Regional Office-3 ang mga suspek na sina John Peter Cruz, Melchor Fernando at Raffy Ann Denully na nakuhanan ng P4.15-milyon na halaga ng pinaghihinalaang droga.

Batay sa ulat, matagal nang pinagsususpetsahan ng pulisya ang tatlo na source umano ng illegal drugs.

Nakuha mula sa mga naaresto ang isang belt bag, sampung sachet ng suspected shabu, dalawang malaking transparent plastic na may pinaghihinalaang shabu, ilang pera at buy bust money.

Sa ngayon na-turn-over na ang tatlo sa Bulacan Crime Laboratory Office sa Malolos para sa eksaminasyon at paghahain ng kaso.