-- Advertisements --

CEBU CITY – Hawak na ng pulisya ang menor de edad na nakuhanan umano ng nasa P4-milyong halaga ng iligal na drog sa ikinasang buy bust operation sa Cebu City.

Kinilala ang binata na si “Jehtro,” 16.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Lt. Col. Glenn Mayam, hepe ng PNP Drug Enforcement Unit-Visayas, na inabot ng isang taon ang ginawang pagmamanman ng kanilang hanay sa naaresto.

Pinaniniwalaan daw kasi na miyembro ito ng isang bigtime drug group na nagdi-distribute sa rehiyon.

Batay sa ulat, aabot sa 600-gramo ng pinaghihinaalang shabu ang nakumpiska sa binata nang madakip sa buy bust operation sa Brgy. Duljo Fatima.

Kumbinsido ang opisyal na runner ng grupo ang mga menor de edad gaya ni Jethro.

Naniniwala rin ito na may ugnayan ang binata sa naarestong drug suspect kamakailan na si Revin Bardon Gonza.