-- Advertisements --

Arestado ang isang  habal-habal  driver matapos itong makuhanan ng aabot sa higit P40.8-M halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa  Barangay Labangon sa lungsod ng Cebu.

Nanguna sa naturang operasyon ang Regional Drug Enforcement Unit habang kinilala ang suspect na si Joey Iñego 36 anyos.

Kabilang ang suspect sa regional high-value individual na pasok sa  Top 10 priority list ng pulisya.

Batay sa impormasyong mga otoridad, posibleng ang suspect ay isang big-time drug pusher .

Inaatasan aniya itong mag manage ng pagdidistribute ng  illegal drugs sa mga inmate sa loob ng New Bilibid Prison sa lungsod ng  Muntinlupa City.

Ang suspek ay may kakayahang mag-dispose ng pitong kilo ng shabu sa buong Negros Oriental at Metro Cebu.