Tumataginting na P35 bilyon hanggang P40 bilyon na windfall revenue mula sa value-added tax (VAT) ang nakuha ng pamahalaan nang lumampas sa $70 ang kada bariles ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Ito ang ipinahayag ni Marikina City Second District Rep. Srekka Luz Quimbo, isa sa kinikilalang ekonomista sa Kamara, hinggil sa diskusyon ng ilang opisyal kung dapat bang suspindihin o hindi ang excise tax sa mga produktong petrolyo o magbibigay ng buwanang ayuda na nagkakahalaga sa P200 para sa mga mahihirap na kabaBayan.
Sinabi aniya ng Department of Finance (DOF) na tataas ang halaga ng krudo mula $135 hanggang $140 kada bariles dahilan kung bakit kumikita ang gobyerno kahit na wala itong ginagawa.
Bukod dito ay pinabulaanan din niya ang naging pahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na mawawalan ng nasa P105 bilyon kada buwan na forgone revenues ang pamahalaan sa oras na suspindihin ang excise tax sa langis.
Ipinunto ni Quimbo na ang P33 bilyon ay talagang “one-third” ng P105 bilyon na sinabi ni Dominguez na mawawala kung ibabasura ang excise taxes dahil sa tumataas na presyo ng krudo sa world market dahil sa krisis sa Ukraine.