-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naglabas ng 400k reward money ang Lokal na pamahalaan ng Pikit Cotabato laban sa mga suspek sa pamamaril patay sa dalawa katao.

Ayon kay Pikit Mayor Sumulong Sultan,P200,000 reward money ang ibibigay ng LGU sa mga taong makapagtuturo sa mga suspek na bumaril patay kay Dodong Gonzales at 200k sa pumatay sa mag-aaral na si Fahad Guianalan.

Nanawagan si Mayor Sultan ng kooperasyon at pagtutulungan para mahuli ang mga suspek.

Sa sinumang nakakilala sa mga salarin ay agad ipagbigay alam sa pulisya.

Sa kakatapos na MPOC meeting ay napag-usapan ang pagpapatupad ng gunban sa bayan ng Pikit dahil sa serye ng pamamaril.

Tutulong na rin ang PRO-BAR at MILF sa pagbabantay ng seguridad ng mamamayan sa mga Barangay sa Pikit na sakop na ng SGA-BARMM.

Sa ngayon ay todo-higpit ang pulisya at militar sa pagpapatupad ng 24/7 na pagbabantay sa lahat ng sulok sa bayan ng Pikit.